Isang tila naligaw sa paglilimayon
na sinag ng haring-araw
ang narito at naghuhumimlay
sa aking noo. Naisip ko,
ilang liwanag-taon kaya
ang nilakbay nito upang sa
siwang ng bintana'y tumagos
at nang sa aki'y maigawad
ang mithing Basbas ng Poon.
Martes, Hunyo 21, 2011
Lunes, Hunyo 20, 2011
Sa Akon Apo'
Maraming kumukupas, lumilipas at naglalaho
ngunit, sa Ama..sa kanyang hindi na mabilang na pagkukulang,
simpleng pagbati sa natatanging araw,
mga salitang "Kumusta? Miss na Kita 'Pa"
hindi man madalas nababanggit, "MAHAL KITA 'PA"
marahil ramdam niyang sa kabila ng lahat,
may mga nagpapatuloy at kailanman ay hindi maglalaho,
pagkat nariyan ang anak,
umuusal ng tanging dasal para sa Amang minamahal.

The Little Mermaid in Wonderland
Ako kahit sentimental madaling magpaubaya..
madaling kausap..magaling umiwas, magaling magpigil.
Alam ko kung paano magmahal, alam ko kung dapat ng magpaalam.
Tanggap lang!!!
Hindi naman ibig sabihin ng pagpapaubaya ay hindi kita mahal..
hindi rin ibig sabihin ng pag-iwas at pagpigil ay pagtanggi,
at lalong hindi nangangahulugan ng paglimot ang salitang paalam.
Nandito ka lang sa puso ko, iiyak pa rin ako ng dahil sa'yo...maaalala pa rin kita,
masasabik sa'yo..papangarapin ko pa ring nasa tabi lang kita.
Sasampalin ko pa rin ang sarili para gisingin kung sobra na ang pananaginip.
Ayoko lang naman na kahit madali akong kausap ay madali lang para sa'yo ang lahat.
Ayoko lang rin naman masaktan na ikaw ang dahilan...ayoko lang!!
Sapat na kasi sa akin ang minsan..sapat na sa akin ang 'yong mga tingin,
sapat na sa akin ang may totoo sa maraming pagkukunwari..sapat ka na sa aking pag-iisa.
Hindi ko kasi talaga yata kaya ang totohanan..
hindi yata ako ipinanganak para sa mga normal na ugnayan,
kakaiba talaga yata ang hugis ng puso ko kahit mabuti naman akong tao para sa kanila,
o baka naman kaya ako mabuting tao daw dahil kakaiba nga ang puso ko
at may mga sarili akong prinsipyo?
Ewan ko, basta para sa akin..ikaw! ikaw! ikaw!...sa madaling sabi KAYO!!!
Kayo ay para sa akin..walang away, walang gulo..sa mundo ko, bawat baling ko ay ikaw!
Hindi ako salawahan dahil wala naman tayo sa katotohanan.
Sentimental ako, oo..
pero hindi ibig sabihin ay magkahulugan ang pagpapaubaya at pagpapakamatay,
kaya lang naman ako nagpapaubaya kasi mas mahal ko ang aking sarili..
kasi kung ipaglalaban kita..hindi sa ibang tao kundi sa aking kaakuhan,
para ko na ring tinanggap ang alok ni kamatayan.
Inililigtas ko lang ang aking sarili..
kaya ngayon pa lang ay handa na akong ikaw
ay maging bula na lamang
na isinasayaw ng hangin
papalayo sa akin.

Bagong Isang Pares ng Tsinelas
Minsan rin naman akong naging bago para sa'yo di ba?
Minsang naging napaka-espesyal at napakahalaga sa'yo..
'yun bang itinuring ng may pagmamahal?
Nami-miss ko na ang ga'nung pakiramdam
..nami-miss na kita
..nami-miss ko ang 'yong mga paa.
Paano na ngayong may bagong 'isang pares ng tsinelas' ka na?
Samantalang ako, pinaglumaan mo na...
Nakita mo ako sa isang mall, malungkot ka nun.
Ugali mo nang pasayahin ang sarili sa pagbili ng tsinelas,
may koleksyon ka yata ng mga tsinelas.
May kung ano sa akin na parang ayaw mo nang pakawalan.
Naisip ko..naisip ko lang naman...
'in fairness, may taste ka. Talagang dapat lang na ang guwapo
ay para sa isang maganda, maganda ako!'
Sabi mo pa nga..'ginayuma kita'
Dali-dali mo akong isinukat, swakto!
Naramdaman ko sa simula pa lang ang maingat mong pagturing sa akin,
ang laki ng ngisi mo..para kang naka-jackpot sa lotto!
Ako sa sandaling 'yon, sinamba kita!
Hinayaan kong angkinin mo ang aking kabuuan,
ang aking kalambutan, ang aking pag-asam na may makakapansin rin sa akin,
at sa wakas nga, makakaalis na ako sa aking kinatutuntungan.
Nagpaubaya ako sa'yo..sa'yong maputi, malinis, manipis ngunit kaytatag na mga paa.
Kaysarap muling damhin ang lumipas.
Ako ang paborito mo sa lahat, maraming nakakapuna sa espesyal na relasyon natin..
kinikilig ako kapag napapansin nila ang mga paa mo, s'yempre ako kaya ang may dala sa'yo.
Ramdam ko namang mahal mo rin talaga ako at hindi ka nagsasawa sa akin,
kahit paulit-ulit-ulit mo akong gamitin. Masarap sa pakiramdam kapag ginagamit mo ako,
isinusuko ko ang lahat. Akala ng marami kong kaibigan ako ang nagdadala sa'yo,
na ako ang nababaliw sa'yo..
pero mali sila, maling-mali dahil ang totoo ikaw ang nagdadala sa akin, sa ating relasyon.
Ikaw ang nakakaalam sa 'ting mga pinupuntahan na kung saan-saang hindi ko nga alam.
Ikaw ang nakakaalam sa oras kung kailan kita papasanin at ako ay iyong dadalhin,
na sa pagtagal ay nakasanayan ko rin.
Masaya tayo. 'Yon ang alam ko, masaya naman talaga tayo 'di ba?
Nagagalit ka nga kapag nawawala ako..kapag pinakikialaman ako ng kuya mo,
inaaway mo siya..kapag napuputikan ako, nililinis mo..
kapag inaarbor ako ng barkada mo, hindi ka pumapayag..
kasi gusto mo palagi lang akong nasa tabi mo kung kakailanganin mo,
na ikaw lang ang gagamit sa akin, 'yon bang sa'yo lang ako!?
Kahit saan ka magpunta, kasama mo ako..
kahit nga naka-sapatos ang lahat at ikaw naka-tsinelas wala kang pakialam..
sa mall, sa school, sa party, kahit saan.
Hindi ko naman talaga p'wedeng takasan ang pagmamahal mo,
mga paa mo lang ang gusto kong halikan ng walang sawa at walang katapusan.
Naaalala mo pa ba 'nong nagpunta tayo sa HongKong?
Kahit lahat doon ay naka-sapatos dahil sa lamig,
bitbit at ginamit mo ang pinakamamahal mong tsinelas, ako 'yon!
Sa Boracay, ibinaon mo ako sa buhangin at buong saya tayong nagpakuha ng litrato..
ang saya-saya kaya natin nun. Pero ang hindi ko makakalimutan sa lahat,
noong sinugod natin ang malakas na ulan at malaking baha noong Ondoy..
basang-basa tayo at pagod, nag-aalala ka nun sa pamilya mo.
Balewala ang mga kinasubsuban kong dumi, kumpara sa kinalulunuran ko ng oras na 'yon.
Halos mamatay ako sa takot dahil akala ko oras na 'yon ng paghihiwalay natin,
halos mapigtal at magkakalas-kalas ako..pero hindi ako sumuko,
ayaw kong magkahiwalay tayo kaya kumapit ako ng husto sa nanginginig,
nagingitim at nagdurugong mga paa mo..yumapos ako ng husto para ma-proteksyunan kita.
Ngunit ang hindi ko kinaya sa lahat, ay nang iangat mo ang 'yong mga paa
para iahon ako at taas-kamay kang sumugod sa baha,
umiiyak ako nun hindi lang para sa'yong paa na alam kong nasasaktan ng sobra,
kundi para na rin sa akin, masakit sa 'kin na sa halip na ikaw ang pinag-iingatan ko..
pinili mong ako ang 'yong pakaingatan ng mga sandaling iyon.
Salamat sa maraming pagkakataong naramdaman ko ang pagmamahal mo.
Ngayong may bagong 'isang pares ng tsinelas' ka na..
hindi ko makakalimutang minsan ay naging bago rin ako, para sa'yo.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)